Ang Paghahanap

Dion
1 min readJul 5, 2020

Matagal na akong naglalakbay
Sa mga bayan na walang kulay
Mga lugar na walang tao
At mga liwasang walang buhay

Matagal na akong naghahanap
Sa isang taong partikular
Maliit ang taas, makulay ang boses
Hinahanap ko ang ligaya

Ilang taon na ba ako naglalakad
Dito sa daigdig na wala ka
Itong maliit na malintala
Pilit hinahap ka

Nagdadapit-hapon na
Ako’y napapagod pa
Ngunit ang puso ko’y ayaw
Na sa dilim ay isusuko ka

Walang inaasahang bukas
Wala na ding gasolina
Hindi ko pala alam
Ito na ang aking huling hininga

Nawa’y ang aking kaluluwa
Na umalis sa aking katawang-lupa
Ay huwag sumuko
At pilit pang maghanap

--

--